Marc Cubales, iaangat ang kalidad ng BL films!

Marc Cubales, iaangat ang kalidad ng BL films!

February 10, 2022 @ 4:58 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Noong kasagsagan ng pandemic ay maraming Boy Love (BL) movies/series ang naglabasan. Ang BL projects ay isang materyal kung saan ang mga lalaking bida ay nagkakaroon ng romantic relationship.

Marami rin ang nagsasabi na karamihan sa mga BL projects na naglabasan ay basura at naka-focus lang sa mga kalalakihan as sex objects.

Ngunit ang actor/producer/international model/businessman na si Marc Cubales na rin ang nagsabi na through his new venture na film production, ang MC Production House, ay iaangat niya ang kalidad ng mga BL projects.

Kasabay nito ay nag-cast reveal din siya ng kanyang unang pelikula under MC prod., ang  “Finding Daddy Blake.”

“Marami tayong mga artista, baguhan man o veteran na world-class ang talent. I wanna help them. Time naman nila to shine. Behind the camera na lang ako,” pahayag pa ni Marc sa kanyang birthday celeb.

Ang multi-awarded director na si Jay Altarejos ang hahawak ng proyekto, siya rin ang sumulat ng screenplay.

“BL film ito na may kakaibang twist. Hanggang dyan lang muna ang pwede kong ikuwento para walang spoiler,” pambungad naman ni Direk Jay.

Base ito sa true events na naganap sa simula ng pandemya. Ang dalawang teenager na sina Elijah at ang batang social media personality na si Kokoy ay nagkataong nagkatagpo upang hanapin at maghiganti sa nambiktima at nang-abuso sa kanila na si Daddy Blake.

“Sa pag-usad ng kanilang plano para magapi si DaddyBlake, madidiskubre nila ang unti-unting pag-usbong ng kanilang pagtitinginan sa isa’t isa.

Pangungunahan ng  critically acclaimed actress na si Rita Avila ang “Finding Daddy Blake” si Dexter Doria, Gio Alvarez, Oliver Aquino, Carlos Dala, Jonathan Ivan Rivera, Joyce Penas Pilarsky at marami pang mapangahas na baguhang talents.

Abangan daw natin ang “Finding Daddy Blake” sa iba’t-ibang international film festivals, lokal na sinehan at iba pang global streaming platforms. JP Ignacio