Marc Cubales, itinaas ang level ng bikini pageants!

Marc Cubales, itinaas ang level ng bikini pageants!

October 24, 2022 @ 6:36 PM 1 month ago


Manila Philippines – Ibang klase, sa November 5 pa ang grand finals ng Cosmo Manila King & Queen 2022 (bikini pageant) na gaganapin sa Skydome SM North EDSA pero pinag-uusapan na ang mga pasabog ng organizer na si Marc Cubales, he, himself, an international model.

Maraming enthusiasts ng modeling world ang gustong mapanood ang nasabing pageant.

After years of silence in the industry, Marc is extremely busy helping these newbies pata magkaroon ng realizations ang kanilang dream na sumikat.

“Una sa lahat, dahil balik naman na tayo sa normal, nauuso na uli ‘yung sexy pageant so bilang producer, gusto kong mauna na mag-produce at ibalik ang bikini pageant sa mas bonggang venue. Higit sa lahat para makatulong at magbigay saya na rin sa mga agents at models.

“‘Yung feeling naman na nakakapagbigay ng work though producing is good, marami tayong mga kilala na masisipag na mga kaibigan na when it comes to production, sobrang gagaling at honestly, ramdam ko yung dedication nila sa work so deserve talaga nila na magkaroon uli ng opportunity na gumawa ng isang quality competition like itong Cosmo King & Queen 2022,” paliwanag pa ni Marc.

FYI, Marc used to be a fasionnmodel when he was in UK and he just want to give back.

This time, ‘yung mananalo, magbibigay agad sila ng prize unlike other bikini pageants na binibiton pa at niloloko ang mga winners na ang ending, walang premyo na binibigay.

Suffice it to say na itataas talaga ni Marc ang level ng bikini pageants sa Pinas.

Marc is also a film producer at katatapos lang ng shooting ng kanyang movie na Finding Daddy Blake, directed by Jay Altarejos.

“Working na rin tayo sa isa pang movie na susubukan naming ilaban sa mga International film festival,” sabi pa ni Marc.

Anyway, host sa Cosmo Manila King & Queen 2022 sina Michael Bristol, Joy Barcoma at John Nite. Special guests sina Paul Salas, Kris Lawrence, Sex Bomb New Gen at Batang Mama. Available ang tiket sa SM Tickets. JP Ignacio