Malaysia – Ready na ang Pinoy singer na si Marcelito Pomoy sa pag-awit ng National Anthem ng Pilipinas bukas kasama ang ilang miyembro ng Word Choir para sa laban bukas ni Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao kontra Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur.
Personal umanong pinili fighting senator ang singer na si Marcelito at ang mga singing pastors ng General Santos City.
Tumulak pa-Malaysia ang grupo at si Marcelito noong July 9 kasama ang Team Pacquiao.
Si Pomoy na tubong Surigao ay nakilala matapos maging grand winner sa TV competition na “Pilipinas Got Talent season 2” dahil sa kakayahan nitong umawit sa tinig ng lalaki at babae.
Habang ang Word Choir naman ay dati na ring kumanta ng “Lupang Hinirang” sa sunod-sunod na laban ni Pacquiao noon kontra kay Chris Algieri, Floyd Mayweather Jr., Timothy Bradley at Jessie Vargas mula 2014 hanggang 2016. (Remate News Team)