Marcial mag-eensayo sa Tate

Marcial mag-eensayo sa Tate

May 29, 2021 @ 8:23 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Isiniwalat ng Association of Boxing Alliance of the Philippines (ABAP) na sasabak si Olympic bound Eumir Marcial sa ensayo sa USA Olympic Boxing Training Center sa United States bilang paghahanda sa pagsabak nito sa Summer Games na gaganapin sa Tokyo, Japan.

Ayon kay ABAP secretary-general Ed Picson na posibleng makasama nito sina Olympic bound boxers Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam kapag binigyan sila ng go-signal ng USA boxing.

Sa Thailand sana mag-eensayo si Marcial pagtapos nang pagsabak nito sa ASBC Championship sa Dubai subalit naghigpit ang nasabing bansa sa mga dayuhan bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Dahil sa paghihigpit ay hindi nakakuha ng Thai Visa si Marcial kaya nasilip ni Picson ang pagkakataon na  makapagsanay ito sa Colorado, USA. Rico Navarro