Marcoleta atrasado sa Senado

Marcoleta atrasado sa Senado

April 28, 2022 @ 12:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi pa man nagsisismula ang botohan ay umatras na si Sagip Partylist Rep Rodante Marcoleta sa senatorial race para sa May 2022 elections.

Sinabi ni Marcoleta na ang kanyang  “poor showing” sa pre-election survey ang dahilan ng kanyang withdrawal sa laban. Sa mga huling senatorial surveys ay hindi pasok sa Magic 12 ang kongresista at nasa 24 hanggang 30 ranking.

Si Marcoleta ay tumatakbo sa ilalim ng PDP-Laban party at isa sya sa mga senatorial bets na ineendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The fighter in me should also be brave enough to read the writings on the wall. Let’s call a spade a spade,” nakasaad sa pahayag na ipinalabas ni Marcoleta.

Tinanggap na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-withdraw ni Marcoleta at sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na ang lahat na matatanggap na boto ng kongresista sa araw ng eleksyon ay ituturing nang stray votes.

Naging matunog ang pangalan ni Marcoleta matapos ang kanyang pangangampanya para hindi mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Bagamat umatras na sa laban ay kailangan pa rin nitong maghain ng kanyang statement of contributions and expenditures (SOCE) sa Comelec.

Tiniyak nito ang patuloy na pagsuporta sa tandem nina Presdiential bet Bongbong Marcos at Vice President bet Sara Duterte. RNT