Marcos admin hinimok sa peace talk sa NDF

Marcos admin hinimok sa peace talk sa NDF

December 28, 2022 @ 3:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umapela si ACT Teacher Partylist Rep. France Castro kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabuksan muli ang peace talks sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ang apela ay ginawa ni Castro matapos ang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria “Joma” Sison.

Para kay Castro, ang pagbubukas sa peace talk ay isang mabisang daan para makamit ang “unity” na panawagan ng Marcos admin noon panahon ng kampanya.

“One way to comprehensively do this is to reopen the peace negotiations between the Government of the Philippines and the NDFP and start from where it left off,” paliwanag ni Castro.

Ang NDFP ang negotiating arm ng CPP.

Taong 2017 nang iutos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang terminasyon ng peace talks.

Sa ngayon ay ilang sektor ang nanawagan ng peace talks kabilang na ang ilang mambabatas na una nang naghain ng House Resolution (HR) 636 noong 18th Congress na nanawqgan ng resumption ng peace talks. Gail Mendoza