Marcos admin nakatanggap ng ‘majority approval rating’ sa 11 isyu

Marcos admin nakatanggap ng ‘majority approval rating’ sa 11 isyu

October 6, 2022 @ 3:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang administrasyong Marcos ng majority approval ratings sa 11  mula sa 13  isyu  kung saan ang performance nito ay ini-assess sa Pulse Asia September 2022 Ulat ng Bayan survey  na isinapubliko, araw ng Huwebes.

Sa resulta ng nasabing survey na isinagawa mula Setyembre 17  hanggang 21 na mayroong  1,200 respondents, nakita ng Pulse Asia na ang kasalukuyang administrasyon ay nakatanggap ng highest approval rating na +75 (78 percent approval, 3 percent disapproval) sa naging pagtugon nito sa mga pangangailangan ng disaster-affected areas.

Nakatanggap din ang administrasyon ng  majority approval rating na  +74 (78 percent approval, 19 percent disapproval) sa pagkontrol sa  pagkalat ng  COVID-19.

“Appreciation is also the majority sentiment toward the Marcos government’s work in promoting the welfare of overseas Filipino workers (+65; 68 percent approval, 3 percent disapproval), promoting peace in the country (+62; 69 percent approval, 7 percent disapproval), fighting criminality (+58; 67 percent approval, 9 percent disapproval), and enforcing the rule of law (+53; 62 percent approval, 9 percent disapproval),” ayon sa ulat.

Nakatanggap din ang  administrasyong Marcos ng approval sa iba pang key issues:  paglikha ng mas trabaho (+47; 59 percent approval, 12 percent disapproval), umento sa sahod (+46; 59 percent approval, 13 percent disapproval), paglaban sa  graft and corruption sa gobyerno (+45; 58 percent approval, 13 percent disapproval), pag-protekta sa kapaligiran (+46; 57 percent approval, 11 percent disapproval), at pagtatanggol sa territorial integrity ng bansa (52 percent (+43; 52 percent approval, 9 percent disapproval.

“However, when it comes to controlling inflation, the only majority urgent national concern, the plurality opinion among Filipino adults (42 percent) is one of disapproval for the national administration’s performance,” ayon sa Pulse Asia.

Samantala, ang  performance rating ng kasalukuyang administrasyon ukol sa pagkontrol sa inflation ay -11 (31 percent approval, 42 percent disapproval).

Habang nakatanggap naman ang administrasyong Marcos sa poverty reduction ng kahalintulad na  approval at indecision figures na 39 percent at 35 percent, (respectively). Ang performance rating ay +13. Kris Jose