MARCOS ADMINISTRATION, PASADO SA FIRST 100 DAYS

MARCOS ADMINISTRATION, PASADO SA FIRST 100 DAYS

October 12, 2022 @ 4:27 PM 2 months ago


MATAAS na approval ratings ang nakuha ng administarsyon ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. mula sa publiko kaugnay sa kanyang unang isangdaang araw na panunungkulan ayon sa Publicus Asia at sa Pulse Asia. 

Sa 2022 Pahayag Third Quarter Survey na isinagawa ng Publicus Asia mula September 16 hanggang 20, lumabas na 62% ng 1,500 respondents, ay nagugustuhan nila ang pamamalakad ni Pangulong BBM. Gayundin, 58% ang lubos ang pagtitiwala sa kanya, 56% ang naniniwala na sinusunod ng administarsyon ang mga batas sa pagdedesisyon, 53% ang nagsabi na hindi ito abusado sa kapangyarihan, 50% naman ang nakita siya bilang resonsableng lider at 51% ang nagsabi na matatag ang estado ng bansa sa llalim ng pamahalaang Marcos.

Napag-alaman din ng Publicus Asia na 71% ang nagsabi na nasa tamang direksyon ang tinatahak ng bansa at 65% ang naniniwala na uunlad ang ekonomiya ng bansa sa huling bahagi ng taong 2022.

Pasado din ang pagtingin ng publiko sa paghawak o posisyon ng Marcos administration sa iba’t ibang usapin katulad ng –

·       Renewable energy 88%;

·       Text spammers and scammers 87%;

·       Pagpapatuloy ng EDSA Carousel bus service 78%;

·       Serbisyo sa marginalized sector 77%;

·       Pagbabawal sa mga sexual offenders na magturo 76%;

·       Hybrid work arrangement 72%;

·       Pagbabalik sa face-to-face classes 71%.

Pinulsuhan din ang mahahalagang usapin na para sa mga Pilipino ay kinakailangang pakatutukan, at ang mga nanguna ay ang –

ü  Economy, 11%;

ü  Corruption, 12%;

ü  Poverty, 11%;

ü  Inflation, 11%; at

ü  Job creation, 10% 

Sa survey naman na isinagawa ng Pulse Asia mula September 17 hanggang 21, nakakuha rin ng pag-apruba mula sa publiko ang Marcos administration sa labing-isa sa labing-tatlong national issues.

78% ang nakuha nito sa pag-responde sa pangangailangan ng mga tinamaan ng kalamidad at ng COVID-19; pagpapalaganap ng kapayapaan 69%; proteksyon ng mga overseas Filipino workers 68%; paglaban sa kriminalidad 67%; pagpapatupad ng mga batas 62%, at 59% sa paglikha ng trabaho at pagtataas ng suweldo.

May magandang grado din sa paglaban sa korupsyon 58%; proteksyon sa kalikasan 57%; at pagdepensa sa teritoryo ng bansa 52%.

Pero bahagyang mababa naman pagdating sa pag-kontrol sa inflation 42% at 39% sa poverty reduction.