Marcos administration, swak sa Tsina, komplikado sa US – analyst

Marcos administration, swak sa Tsina, komplikado sa US – analyst

May 11, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ang posibleng pagkapanalo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential election ng Pilipinas ay nakatakdang muling baguhin ang relasyon ng bansa sa China at United States habang tingin naman ng isang analyst na posibleng mas magiging malapit ang relasyon ng Pinas sa Beijing.

Si Marcos Jr., ay may matagal nang ugnayan sa Tsina at naghahanap ng bagong kasunduan kay China Presidente Xi Jinping sa pinagtatalunang karagatan ng South China Sea.

Ang relasyon ni Marcos sa Estados Unidos, sa kabilang banda, ay kumplikado sa pamamagitan ng isang contempt of court order para sa kanyang pagtanggi na makipagtulungan sa District Court of Hawaii, na noong 1995 ay nag-utos sa pamilya Marcos na magbayad ng $2 bilyon na plundered wealth sa mga biktima sa pamumuno ng dating diktador.

Ang Pilipinas ay fulcrum ng geopolitical rivalry sa pagitan ng US at China, kasama ang maritime territory nito na sumasaklaw sa bahagi ng South China Sea, isang estratehiko at mayaman sa resource waterway kung saan inaangkin din ng China ang soberanya.

Noong 2016, isang arbitral tribunal na binuo sa ilalim ng International Law of the Sea ang nagpasya na pumabor sa Pilipinas.

Ngunit sa mga panayam noong campaign period, sinabi ni Marcos na “hindi epektibo” ang desisyon dahil hindi ito kinilala ng China. Hihilingin niya ang isang bilateral na kasunduan sa China upang malutas ang kanilang mga pagkakaiba, aniya.

“If you let the US come in, you make China your enemy,” aniya sa isang radio interview. “I think we can come to an agreement (with China). As a matter of fact, people from the Chinese Embassy are my friends. We have been talking about that.”

Sinabi ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, na namuno sa legal team ng Pilipinas sa arbitral tribunal, na ang paninindigan ni Marcos ay isang “pagtatraydor”.

“He’s taken the side of China against the Philippines,” giit pa ni Carpio.

Sinabi ni Rommel Banlaoi, isang eksperto sa seguridad na nakabase sa Maynila, na nais ni Marcos ang mas matalik na relasyon sa China ngunit hindi niya isasakripisyo ang teritoryo ng bansa.

“He’s open to direct consultations and bilateral negotiations with China to settle their differences,”ani Banlaoi. “He is willing to explore areas of pragmatic co-operation with China, including the development of natural gas and oil in the West Philippine Sea.”

Ang West Philippine Sea ay nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa South China Sea, ngunit inaangkin din ng China. RNT