Marcos, Agri execs nagpulong

Marcos, Agri execs nagpulong

July 4, 2022 @ 5:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakipagkita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) nitong Lunes ng umaga.

Si Marcos ang umuupong DA chief “at least for now” sa gitna ng matitinding hamon sa agriculture sector at upang bigyang-diin ang prayoridad ng administrasyon dito.

Umarangkada ang inaugural executive committee meeting kaninang alas-9 ng umaga. 

Sa Palace briefing, tinanong si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kung ano ang marching orders ni Marcos para sa DA.

Aniya, wala pang detalye ukol dito dahil hindi pa umano tapos ang pagpupulong. RNT/SA