Marcos, Arroyo: Sovereign wealth fund ideya ni Bam Aquino

Marcos, Arroyo: Sovereign wealth fund ideya ni Bam Aquino

December 6, 2022 @ 1:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Sandro Marcos nitong Martes na bagama’t inisyatiba ng kanyang ama na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang  Maharlika Wealth Fund, una umano itongng iminungkahi ni dating Senator Bam Aquino at Senator JV Ejercito sa nakaraang  Kongreso.

Binasag ni Marcos, Presidential son at House Senior Deputy Majority Leader, ang kanyang katahimikan ukol sa panukala, kung saan siya ay co-author ng kanyang tiyuhin na si House Speaker Martin Romualdez.

“If you think about it this isn’t a new idea. Sec. Diokno already said they were looking at it during the time of Duterte. If I’m not mistaken former Senator Bam Aquino filed a bill in 2016 trying to do the same thing. I guess, my guess is because di naipasa dahil patapos na ang administrasyon ni former President PNoy I believe Senator JV also nagfile ng bill, it’s not a new idea.,” paglalahad niya.

Si Bam Aquino ay pamangkin ng late democracy icon na si dating Senator Ninoy Aquino, at pinsan din niya si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Inihayag din ito ng dating Pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, na nag-endorso sa sovereign wealth fund proposal.

“Sovereign wealth funds are not new. Singapore, for example, has had Temasek Holdings since 1974 and the Government of Singapore Investment Corporation since 1981. There are more than 20 sovereign wealth funds in the Middle East. Even in the Philippines, the idea is not new – then Senator Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino filed a bill to create such a fund in 2016,” ani Arroyo.

Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi ni dating senator Aquino na naghain nga siya ng sovereign wealth find bill noong 2016, at sinabing ang existence ng nasabing pondo ay karaniwan na sa buong mundo.

Subalit, kinuwestiyon niya ang timing ng paglikha sa Maharlika Wealth Fund, dahil na rin sa kasalukuyang economic situation ng bansa.

“Pero ang tanong, tama ba ang timing?… Una, ibang iba ang ekonomiya noong 2016 at ngayon – maganda ang takbo ng ekonomiya, mataas ang economic growth, mababa ang utang ng gobyerno, at mababa rin ang inflation,” tanong ni Aquino.

“Ngayon, bumagal ang ekonomiya dahil sa pandemya, at mataas ang presyo ng bilihin,” dagdag niya.

Iginiit din ni Aquino na ang surplus budget ang karaniwang ginagamit na sovereign wealth funds.

“Pangalawa, ang ginagamit na pondo para sa isang sovereign wealth fund ay karaniwang surplus o sobra ng budget dahil may posibilidad na malugi ang isang sovereign wealth fund. Klaro na hindi dapat galing sa mga pensyon ng mga manggagawa ang mga pinagkukuhanan nito,” aniya pa.

Nilinaw ng nakababatang Marcos at ni Arroyo na hindi magiging hadlang na ang Pangulo ng Pilipinas ang mangangasiwa sa pondo.

“The President is also chief of, he’s also head of the board of NEDA which is in charge of the economic development of our country so it’s not much different. There are so many safeguards if you look at the bill and actually Cong. Joey and the TWG on the congressional side, may exemptions naman from the GOCC and the PCC that’s already not the case, we already took that out. And if you look we will be making sure that there will be proper representation in the board especially from the corporations from which these funds will be taken from. Now like I said there are 3 auditors, there will be an internal auditor, external auditor and COA. That’s 3 layers of safeguards. Kumbaga may namatay na tao may 3 , there are 3 coroners checking the dead body,” ani Marcos.

“Like I said I think part of the reason is that of course its been politicized but the whole point of this exercise is that this corporation will be free from politics. That’s why it needs to be run by technocrats, wala silang interesado sa politika. Yes, the president will be the chairman of the board. But you have to look at it beyond this administration. This isn’t something for the next six years. This is something that can keep on going if you look at the success of what these sovereign wealth funds have done, you cannot dispute naman. Look at Indonesia, one year pa lang silang nakatayo, ang laki na ng kita ng sovereign wealth fund nila. Temasek,” dagdag niya.

“The success of any fund, sovereign or private, lies in the quality of its management. In the current version of the Maharlika Wealth Fund, the President of the Philippines chairs its governing Board. This is a powerful statement that the highest official of the land will hold himself as ultimately accountable to the Filipino people for the performance of the Fund,” ayon naman kay Arroyo.

Nilinaw nina Marcos at Arroyo na hindi mapapasama sa pondo ang pensyon ng state pension fund members. Target ng proposed Maharlika Wealth Fund na kumuha ng kapital mula sa Government Service Insurance System at Social Security System.

“Lahat ng mga proyekto na nakukulangan ng pondo doon natin makukuha sa kita ng sovereign wealth fund. Now there ang mga sinasabi ng tao na it could be taken from the pension money the GSIS and all these corporations already have investible funds. Hindi po galing sa pension, hindi po it will be taken from the investible funds that are already there. Those corporations already invest into real and financial assets through those investible funds they do not use the pension money,” sabi ni Marcos.

Tumugon din si Marcos sa reserbasyon na inihayag ng kanyang tiyahin na si Senator Imee Marcos.

“I was just talking to her now. I think it’s good that she has reservations about the bill because it makes sure that the legislature is more robust. It ensures that the safeguards that she was so worried about are actually put up and that there are layers of checks and balances that ensure that the money is going in the right place,” aniya.

Naniniwala umano si Marcos na napapanahon na upang isulong ang pondo.

“The Maharlika investment fund is geared towards contributing to national development,” dagdag ni Marcos.

“So you know, if you ask, when will it be the right time, or it’s not the right time now, kung ganoon ang mindset, it will never be the right time. So we have to make sure, the interest of national development that we are doing everything that we can.”

Ipinahayag din niya na handa siyang depensahan ang panukala sa plenary deliberations.

Para namab kay Senator Bong Go, nakadepende ito sa kung sino ang mangangasiwa sa pondo.

“Siguro mahabang usapan ‘yan, mahabang debate ang Maharlika Fund. Ang importante po dito ang tanong is who will manage sino poi magdadala it should be a good manager talaga na walang masasayang na pondo,” giit ni Go.

Samantala, isinusulong naman ni Senator JV Ejercito ang safeguards at inihirit ang pag-iingat.

“Any funds of this magnitude has to be studied very carefully. Maganda naman ang intensyon pero if we intend to use or source the funds from GSIS,SSS we have to be extra careful because these are pension funds of government and private employees. Siguro marami lang merong agam- agam diyan dahil because of the past, AFPSLAI and then RSBS of which they funds were invested in bad investments,” sabi ni Ejercito. RNT/SA