Marcos bukas na gawing drug czar si PRRD

Marcos bukas na gawing drug czar si PRRD

May 26, 2022 @ 3:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Walang problema kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kung nanaisin ng kanyang predecessor na si Pangulong Rodrigo Duterte na maging bahagi rin ng kanyang administrasyon at tumayong drug czar.

sa ngayon, ayon kay Marcos, hindi pa nila ito napapag-usapan ni Pangulong Duterte.

“No, he has not, we have not talked about it. But I am open to anyone who is able to help in the government so matagal na kaming magkaibigan ni PRRD, noong mayor pa siya long long time ago,” saad niya.

“So I’m sure if he wants to play a part sasabihin naman niya sa akin, I am certainly open to that,” dagdag niya.

Matatandaang hiniling ni Pangulong Duterte kay Marcos Jr. na ipagpatuloy ang kanyang anti-illegal drug campaign sa isa sa naging pag-uusap nila bago ang eleksyon.

“Ang napapag-usapan namin bago pa mag-election, basta itong mga bagay na ito ituloy mo, that is the request that is so important to him. Still, siyempre yung kanyang priority is the anti-drug problem,” ani Marcos.

“Ang kanya sinasabi niya, one thing he was assertive about [was] ituloy ang anti-drug syndicate (sic) na sinimulan ko. Do it your own way. He really said that. Palitan mo… but wag mong iiwanan yan kasi kawawa ang kabataan natin. Talagang nasisira ang buhay nila,” saad pa niya.

Noong Nobyembre, matatandaang sinabi rin ng tambalang Marcos at Sara Duterte-Carpio na dapat magpatuloy ang war on drugs at mapagtagumpayan ito sa pamamagitan ng pagmamahal. RNT/ JCM