Marcos camp sa SC petitioners: ‘Respect the will of Filipino people’

Marcos camp sa SC petitioners: ‘Respect the will of Filipino people’

May 17, 2022 @ 6:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umapela ang kampo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga petitioner na humihiling ng kanselasyon ng certificate of candidacy ni Marcos sa Supreme Court na irespeto ang kalooban ng sambayanang Pilipino.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng petisyon kung saan hiniling din ng mga petisyoner na magpalabas ang SC ng temporary restraining order sa pagbibilang ng botong nakuha ni Marcos at proklamasyon nito.

“I appeal to those who keep on pursuing these divisiveness. The people have spoken. The Filipino people have spoken and an overwhelming majority has voted president-elect Bongbong Marcos and vice president-elect Inday Sara Duterte into office as president and vice president,” pakiusap ni Rodriguez.

“We’re all limited to 24 hours in a day. Allow us to be more productive and learn to respect the will of the Filipino people,” dagdag niya.

Samantala, una nang sinabi ng Commission on Elections na itutuloy nila ang pag-canvass ng mga boto hangga’t walang inilalabas na kautusan ang Supreme Korte. RNT/ JCM