Marcos dadalo sa APEC summit sa US sa 2023 – envoy

Marcos dadalo sa APEC summit sa US sa 2023 – envoy

December 8, 2022 @ 1:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders’ meeting sa United States sa Nobyembre 2023, ayon sa Philippine ambassador to the US nitong Huwebes.

“President Marcos will be coming in November for the APEC meeting in the West Coast. I am confirming that President Marcos will be attending together with all the leaders who have been invited to APEC,” sabi ni Ambassador Jose Manuel Romualdez.

Inihayag ni Romualdez na inaasahang makikipagkita si Marcos saAmerican business groups upang talakayin ang posibleng investments sa bansa. Sinabi pa ni Romualdez na sa pagkakataong iyon, ang pamahalaan ng Pilipinas ay “ready to show the economic reforms and economic programs” upang makahikayat ng investors.

Kasado ang summit sa susunod na linggo sa Nov. 12 sa San Francisco, California, ayon kay US Vice President Kamala Harris. Bilang host country, sinabi ng US na makikipagtulungan ito sa APEC economies upang lumikha ng bagong sustainability at decarbonization commitments. RNT/SA