Marcos, Indian PM Modi nag-usap sa telepono; mas maigting na bilateral ties tiniyak

Marcos, Indian PM Modi nag-usap sa telepono; mas maigting na bilateral ties tiniyak

August 6, 2022 @ 2:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. onitong Sabado na nakausap niya si Indian Prime Minister Narendra Modi sa telepono, at tiniyak na palalakasin ang bilateral ties.

“Nagagalak naman tayo na makausap sa telepono ang punong ministro na si Narendra Modi. Tiyak natin na mas iigting ang ating magandang relasyon sa bansang India,” saad sa post ni Marcos sa Instagram. 

Naganap ang naturang phone call nitong Biyernes, na bahagi ng inilarawan ni Marcos na isang produktibong araw maging ang ika-apat niyang Cabinet meeting.

Nakipagpulong din siya sa mga miyembro ng Samahang Industriya ng Agrikultura.

Inilahad ng Malacañang nitong Biyernes na ang ika-apat na Cabinet meeting ay tumutok sa agrarian reform at disaster resiliency. RNT/SA