Marcos Jr. ‘di nasindak sa bantang asasinasyon sa TikTok

Marcos Jr. ‘di nasindak sa bantang asasinasyon sa TikTok

January 31, 2022 @ 6:55 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Hindi nagpasindak ang kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kabila ng nabulgar na banta ng asasinasyon.

Sa kabila nito, nilinaw ng kampo ni Marcos Jr. na sineseryoso nila ang nasabing ulat.

“While this assassination plot is concerning, we are not cowered by such threat. BBM shall continue to personally deliver his message around the country with firm resolve to unify our nation,” ani atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos Jr.

“Sineseryoso namin lahat ng banta sa buhay niĀ presidential aspirant Bongbong MarcosĀ kagaya nito, at bilang isang bansa dapat din nating seryosohin lahat ng banta at magiging banta kung meron man. ‘Wag naman sana sa buhay ng kahit na sinong kandidato,” ani Rodriguez.

Nauna nang isiniwalat mismo ng Department of Justice cybercrime division na nakatanggap sila ng tip ukol sa planong asasinasyon laban sa dating senador mula umano sa TikTok.

Kinumpirma rin ito ni Justice secretary Menardo Guevarra pero nilinaw niya na bineberipika pa ang nasabing tip.

Inatasan na rin ni Guevarra ang National Bureau of Investigation na bigyang prayoridad ang “any validated information pertaining to a threat to the personal security of any presidential aspirant.”

“If a bomb joke is actionable, so is a threat of assassination, whether true or not,” punto ng kalihim.

Sa pahayag ng TikTok, ang ganitong uri ng mga pagbabanta ay hindi nila kinokonsinti.

“The promotion of violence has absolutely no place on our platform. The user’s account has been permanently banned and we are fully cooperating with the National Bureau of Investigation in their investigations,” ayon sa pamunuan ng social media.

Hiniling naman ng DOJ Cybercrime Division sa platform na pangalagaan ang datos ukol sa asasinasyon para sa ginagawang imbestigasyon. RNT