Marcos: Kakayahan ng mga sundalo, kailangang paghusayin, palakasin

Marcos: Kakayahan ng mga sundalo, kailangang paghusayin, palakasin

March 7, 2023 @ 6:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Mayroon pa ring pangangailangan na palakasin ang kakayahan ng mga sundalo para maprotektahan ang teritoryo ng bansa.

Nakasuot ng flight suit uniform, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “acceptance, turnover, at blessing ceremony” ng  C-295 medium lift aircraft at FA-50PH flight demonstration capability sa Clark Air Base sa Pampanga.

“While these equipment will boost the readiness of our Air Force to respond to any contingency, there is still a need to further improve our capabilities to effectively cover our territory,”  ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.

Tinukoy  pa ng Pangulo na ang archipelagic nature at geostrategic location ay kapuwa  “blessing and a challenge.”

“As much as our maritime environment provides us with much needed resources, it also requires us to constantly adapt to become more mobile and agile,” ang wika ng Chief Executive.

Ani Pangulong Marcos, ang FA-50PH fighter jets ay makatutulong na mapahusay at mapabuti ang  maritime patrol capability ng bansa,  matulungan ang Air Force sa pagmo-monitor ng mga kaganapan sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at makapagbibigay ng  close air support para sa  combat troops.

Sinabi pa ng Pangulo na sa pamamagitan ng  karagdagang C-295 aircraft ay mapahihintulutan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na makapagbigay ng “more responsive support” sa mga ahensiya ng gobyerno lalo na kapag emergency situations at sa  humanitarian assistance at  disaster response operations.

Ang pinakabagong unit, isang twin-turboprop transport aircraft,  ay bahagi ng acquisition o gagawing pagbili mula sa Spain sa ilalim ng modernization program 2 ng Philippine military.

Ang  C-295 medium lift aircraft  ay ginawa ng Airbus Defence and Space. Dinala ito sa bansa noong Pebrero 14, 2023.

Ang nasabing asset ay combat-proven na mayroong high versatility dahil nakakapag-operate ito sa ilalim ng “all weather conditions in all types of environment.”

“This will complement the capability of the military to provide airlift support during times of disasters and calamities. It will also supplement maritime patrols,” ayon sa ulat. Kris Jose