Marcos, kinalampag ang Korte Suprema

Marcos, kinalampag ang Korte Suprema

August 6, 2018 @ 6:30 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Bias para kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa kaya dapat itong hands-off sa kaniyang election protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Dahit dito naghain ng petisyon si Marcos sa Supreme Court na umaakto rin bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) na i-inhibit si Caguioa sa kanyang nakabinbin na election protest.

“Maliwanag na maliwanag na atleast at the household of Justice Caguioa, that they were working against me,” pahayag ni Marcos sa media.

Hindi aniya lingid sa kaalaman ng lahat na si Caguioa ay kababata ni Aquino at magkaklase sila mula elementarya hanggang kolehiyo.

Noong pangulo pa aniya si Aquino ay itinalaga niya si Caguioa bilang Chief Presidential Legal Counsel, Justice Secretary at justice sa Korte Suprema.

“Sumusobra na at hindi na namin nakikita na makaktaanggap kami ng katarungan kung si Justice Caguioa pa rin ang in-charge sa kaso,” dagdag pa ng dating senador.

Si Caguioa ang in-charge sa election protest ni Marcos. (Remate News Team)

Nag-file ng petisyon si dating Senator Bongbong Marcos kasama si dating Justice Manuel Lazaro sa Korte Suprema laban kay Associate Justice Alfredo Caguioa dahil sa biased umanong paglilitis na may kinalaman sa PET. Kuha ni Jhun Mabanag

REMATE FILE PHOTO | JHUN MABANAG

REMATE FILE PHOTO | JHUN MABANAG