Marcos kumpiyansa sa kapakinabangan ng Maharlika Fund

Marcos kumpiyansa sa kapakinabangan ng Maharlika Fund

December 12, 2022 @ 11:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binasag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes ang kanyang katahimikan sa panukalang Maharlika Wealth Fund, at sinabing naniniwala siya na magiging kapaki-pakinabang ito para sa Pilipinas sa gitna ng pagtaliwas ng ilang grupo.

“For sure. I wouldn’t have brought it up otherwise,” tugon ni Marcos nang tanungin kung sa palagay niya ay makatutulong ang Maharlika Wealth Fund sa bansa.

“It’s very clear that we need added investment. This is another way to get that,” dagdag niya.

Target ng panukalang House Bill 6398 seeks na itatag ang Maharlika Wealth Fund na papayagan ang pamahalaan na mag-invest ng surplus reserves sa real estate at financial assets.

Inisyal na sa ilalim nh panukala, papayagan ang government financial institutions gaya ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), at ang Development Bank of the Philippines (DBP) na mag-invest ng kanilang pondo upang palaguin ito.

Subalit, kinalos ang GSIS at SSS bilang mandatory contributors sa sovereign wealth fund dahil sa pangamba ng pensioners.

Nang tanungin kung naniniwala siya na tamang hakbang ang pagtanggal sa GSIS at sa SSS, sinabi ni Marcos na bahagi lamang ito ng regular na proseso ng paglikha ng panukala.

“Well, we’re just doing the regular process of looking at the bill. Well, not we. It’s the legislature. So let them do their jobs. Tama ‘yan. Para gawin nilang perfect,” aniya.

Samantala, inihirit ng Pangulo sa publiko na ipagpaliban muna ang mag debate ukol sa panukala hangga’t hindi pa ito pinal.

“Let’s not debate until we see the final form because we could be debating about provisions that will no longer exist. So antayin natin kung anong gawin ng legislature,” apela niya.

Kabilang sa mga may akda ng proposed measure sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Ilocos Norte 1st District Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos III, pinsan at anak ng Pangulo.

Kasama rin dito sina House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, Tingog party-list Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre, at Marikina City Representative Stella Luz Quimbo. RNT/SA