Marcos: Maging handang depensahan ang Pinas vs ‘intruders’

Marcos: Maging handang depensahan ang Pinas vs ‘intruders’

July 2, 2022 @ 10:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kailangang maging handa ang Pilipinas na depensahan ang sarili nito laban sa “intruders”.

Ito’y sa kabila ng foreign policy ng bansa na  “friend to all, enemy to none”.

Ang pahayag na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay bahagi ng kanyang ginawang pagkilala sa airmen  ng bansa sa  ginawang Philippines Air Force’s (PAF) 75th Anniversary Celebration, araw ng Biyernes, Hulyo  1.

“We have a foreign policy to be friendly to all and an enemy to none, but we shall remain alert and ready to defend it to the hilt,” ayon kay Pangulong Marcos.

Upang magawa ito, sinabi ng Chief Executive na ang  airmen ng PIlipinas ay kailangan na mayroong mga gamit  at “more state-of-the-art fighter planes and armed with more firepower.”

“It is my honor and privilege to recognize our courageous and dedicated airmen who are ever-ready to defend the Philippine airspace from intruders, ensure the protection of our precious freedom, and secure our islands from unwanted elements that will sow chaos in our land,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni  Pangulong Marcos na ang pagpapalakas sa kakayahan ng  PAF ay isa sa pangunahing prayoridad ng administrasyon.

Bilang  Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines, tungkulin aniya niya  na  “to ensure the welfare of our officers and soldiers tasked to protect our skies.”

“A strong PAF guarantees a free, progressive, and secured nation,”  giit ni Pangulong Marcos. Kris Jose