Marcos: Mga Pinoy ‘di pipigilan ng Tsina na mangisda

Marcos: Mga Pinoy ‘di pipigilan ng Tsina na mangisda

January 16, 2023 @ 11:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Nitong Linggo na sa halip na “partnership”, nagkasundo ang Manila at Beijing kung saan “China will not stop our fishermen from fishing” sa kabila ng tensyon sa West Philippine Sea.

Sinabi ni dating National Security Adviser Clarita Carlos nitong Biyernes na pinag-aaralan ng Pilipinas ang mungkahi ng China para sa “partnership between fishing villages.”

Subalit ayon kay Marcos, “I don’t know how the word ‘partnership’ started to be used. It’s really an agreement that China will not stop our fishermen from fishing.”

“That’s it, very simple. They will allow our fishermen to fish, in the fishing grounds that they have used for many generations,” giit niya.

Pinag-aagawan ng China at ng Pilipinas ang South China Sea, kung saan inaangkin ng Beijing ang soberanya sa halos kabuuan ng teritoryo sa kabila ng international court ruling na nagsasabing wala itong legal na basehan.

Kapwa may overlapping claims ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Brunei sa bahagi ng dagat, at kamakailan lamang ay ipinag-utos ng Pilipinas ang mas maigting na presensya ng militar sa lugar. RNT/SA