Marcos nagbabala ukol sa Russia-Ukraine conflict

Marcos nagbabala ukol sa Russia-Ukraine conflict

June 30, 2022 @ 2:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagbabala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes ukol sa mas malawak na kaguluhan sakaling makuha ng “great powers” ang “wrong lessons” mula sa kaguluhan sa Ukraine.

“We face prospects from the war abroad of which we are totally blameless. We seek friendship with all, but countries like ours will bear the brunt of it. And if the great powers draw the wrong lessons from the ongoing tragedy in Ukraine, the same dark prospect of conflict will spread to our part the world,” bahagi ng inaugural address at ni Marcos sa National Museum of Arts.

“Yet, there is more out there like going forward by new ways of doing that the pandemic forces [us] to adapt. A stronger resilience, quicker adaptability. They are our best prevention, they are our best protection,” dagdag niya.

Sinabi ni Marcos nitong Hunyo na pananatilihin niya ang “independent policy” kaugnay ng kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ito ay ayon kay Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov kasunod ng kanyang courtesy visit to sa ika-17 presidente ng bansa.

Sa kanyang kampanya, inihayag ni Marcos na hindi kinakailangang may panigan sa pagsakop ng Russia sa Ukraine. Subalit aniya, nag-aalala siya sa mga Pilipino na apektado ng kaguluhan.

Subalit kalaunan ay nanawagan si Marcos sa Russia na respetuhim ang kalayaan ng Ukraine.

Sa isang UN General Assembly, bumoto ang Pilipinas sa pagkondena nh pag-atake ng Russia laban sa Ukraine. RNT/SA