Marcos nagtalaga ng 3 bagong DOJ undersecretaries

Marcos nagtalaga ng 3 bagong DOJ undersecretaries

August 3, 2022 @ 11:10 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng tatlong bagong undersecretaries sa Department of Justice, ayon kay Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Miyerkules.

Sila ay sina Jesse Andres, dating chief of staff ni dating vice president Noli de Castro; Geronimo Lim Sy, at Jose Ragus Cadiz Jr.

Samantala, nananatili naman si Deo Marco na Justice undersecretary habang na-promote si Nicholas Ty na undersecretary mula sa assistant secretary.

“Yes, kulang pa yan,” pahayag ni Remulla.

Inihayag niya na hininihintay pa ang kumpletong listahan ng appointments.

Pinalitan ni Andres si dating Usec. Adrian Sugay; si Sy naman ang kapalit ni dating Usec. Emmeline Aglipay-Villar; habang si Cadiz ang pumalit kay dating Usec. Jon Salvahan. RNT/SA