Marcos nasa overseas ballot para sa Halalan 2022- Comelec exec

Marcos nasa overseas ballot para sa Halalan 2022- Comelec exec

January 17, 2022 @ 4:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes na kasama ang pangalan ni presidential aspirant at former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa overseas ballot para sa Halalan 2022, na ilalabas ng poll body.

Ito ang inanunsyo ni Comelec Director Elaiza Sabile David matapos ibasura ng Comelec Second Division ang petisyong kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Marcos para sa darating na eleksyon sa Mayo 2022.

“The official list is finalized. His (Marcos) name is there [on the ballot for overseas workers],” giit ni David sa isang online briefing.

“The overseas ballot which only  lists national candidates is 25 inches,” patuloy pa ni David. 

Isa lamang ang Buenafe petition na ibinasura hg Comelec 2nd Division sa mga inihaing petisyon laban sa kandidatura ni Marcos, anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Umabot na sa tatlong petisyon ang ibinasura ng Comelec habang tatlo pa ang pending sa Comelec First Division at isa sa Second Division. RNT/SA