Marcos: Note verbale ipadadala sa Tsina

Marcos: Note verbale ipadadala sa Tsina

November 22, 2022 @ 5:12 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes na magpapadala ng note verbale sa China kasunod ng komprontasyon sa pagitan ng mga Pilipino at Chinese forces malapit sa Pag-asa Island.

“Yes, I think that’s what we need to do,” tugon ni Marcos nang tanungin kung magpapadala ng note verbale sa China kasunod ng insidente.

Sinabi ni Marcos na kailangang resolbahin ang isyu, at sinabing buo ang tiwala sa naval forces ng bansa.

Nitong Linggo, nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng Naval Station Emilio Liwanag (NSEL) at ng Chinese Coast Guard sa Pag-asa Island matapos “sapilitang” kunin ng huli ang unidentified floating object mula sa Philippine forces.

Subalit, itinanggi ito ng Chinese Embassy, at sinabing nagkaroon ng friendly consultation ang dalawang pwersa.

Kasunod ng insidente, sinabi ni National Security Adviser Clarita Carlos na inirekomenda na niya kay Marcos na magpadala ng note verbale sa Beijing.

“Siguro ‘yung puwedeng i-disclose sa public ‘yung dati nating ginagawa, mag-note verbale tayo sa China,” aniya. RNT/SA