Marcos, Rodriguez ‘di tumutol sa SO4 – Serafica

Marcos, Rodriguez ‘di tumutol sa SO4 – Serafica

August 30, 2022 @ 5:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kapwa hindi  umano tumutol sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Executive Secretary Victor Rodriguez  sa panukalang mag-angkat ng asukal nang ilatag ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang ideya.

Ang pahayag na ito ng nagbitiw na si SRA chief Hermenegildo Serafica ay  bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng mga senador hinggil sa nabigong pagtatangka na mag-angkat ng  300,000 metric tons ng asukal bunsod ng kakulangan ng awtorisasyon mula sa Pangulo.

Sinabi ni Serafica sa nasabing pagdinig na natatandaan niya na nagpahayag siya ng panukala sa isinagawang pagdinig sa Malakanyang noong Agosto 1 na mag-draft  ng kautusan ng panibagong importation program, na aaprubahan ng SRA board bilang isa sa huling “courses of action” para tugunan ang hamon ng sugar industry ang kinahaharap.

Idinetalye pa ni Serafica ang nangyari sa pulong matapos na tanungin siya  ni Senador Risa Hontiveros kung paano siya naniniwala na suportado nina Pangulong Marcos at Rodriguez ang panibagong  round ng sugar importation.

Sa naging  kautusan na mag-draft ng importation order, tinanong ng senadora si Serafica kung ibig sabihin nito ay masigasig sina Pangulong Marcos at  Rodriguez na aprubahan ang plano.

“So again po kung pinapa-draft kayo ng order, kung pinapa-submit kayo ng plan tungkol sa isang programang importasyon ibig sabihin posibleng aaprubahan ito, ibig sabihin sa meeting sa araw na yon paborable yung pagtingin, at least open, hindi opposed? Tama po ba yon?” ani Hontiveros sa idinaos na Senate blue ribbon committee hearing.

“You’re correct, your honor.” ang naging tugon naman ni Serafica.

Hiniling din ng senadora kay Serafica na linawin kung kapuwa bukas sina Pangulong Marcos at  Rodriguez  na mag-angkat ng asukal, ang sagot naman nito ay “I didn’t hear any objection, your honor, at that point.”

Sinabi pa niya na “no volume of sugar was discussed on August 1, but the importation plan was reiterated on August 4 and they already had an estimated volume of sugar to be brought into the country following a consultation with industry stakeholders on July 29.”

Sa ginawa namang konsultasyon sa mga  stakeholders, sinabi ni Serafica  na pinresenta nila ang “facts of the situation” at ang umiiral na presyo sa merkado.

Hiniling din ng SRA sa mga  stakeholders na magsumite ng kanilang rekumendasyon.

“From July 29 to August 3, stakeholders stated they had no objection to the importation plan and almost everyone had recommended importing 300,000 metric tons,” ayon kay  Serafica.

“The SRA, your honor, has complete data on the facts of our average demand for the last three crop years as far as raw sugar is concerned and as far as refined sugar is concerned. So, they realized, upon seeing all of these, that they recommended almost the same 300,000 metric tons,” aniya pa rin.

Tinuran naman  ni Hontiveros na tanging ang Delmax Trading lamang ang nagrekumenda ng  bahagyang pagbaba ng dami ng 250,000 metric tons. Kris Jose