Marcos Rojo, binitbit ang Argentina sa last 16

Marcos Rojo, binitbit ang Argentina sa last 16

June 27, 2018 @ 10:07 AM 4 years ago


FIFA – Ang huling goal ni Marcos Rojo ang siyang nagbitbit sa Argentina sa last 16 at sa 2-1 na panalo kontra Nigeria sa Group D ng FIFA World Cup.

Unang nakapagtala ng goal si Lionel Messi sa loob lamang ng 14th minutes.

Pero naitabla ito ng Nigeria hanggang maipasok ni Marcos Rojo ng Argentina ang goal sa 86th minute para tapusin na ang World Cup journey ng ranked 48 na Nigeria.

Susunod na nilang makakaharap ang France sa Sabado at sa araw rin na iyon ay maghaharap ang Uruguay at Portugal.

Sa Linggo ay Spain vs Russia habang ang Croatia ay makakasagupa ang Denmark.

Nasa pangalawang puwesto ang Argentina na mayroong 4 points habang pumangatlo ang Nigeria na mayroong 3 points. (Remate News Team)