Marcos sa DA Western Visayas: Pagkalat ng ASF, aksyunan

Marcos sa DA Western Visayas: Pagkalat ng ASF, aksyunan

October 24, 2022 @ 10:40 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA) sa Western Visayas na i-test lahat ng pig breeding sites sa lugar upang makontrol ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Ang direktiba ni Marcos ay kasunod ng paglalahad ng  regional office ng DA-Western Visayas sa situation briefing sa Bacolod City na nakapag-ulat ng kaso ng ASF sa lugar, partikular na sa Iloilo.

Batay sa press release mula sa Office of the Press Secretary, tiniyak ni Marcos na may mga panukala na makapipigil sa pagkalat ng ASF, kabilang na ang pag-ban ng pork products mula sa infested areas.

Idineklara ng munisipalidad ng Oton sa Iloilo nitong nakaraang ;ingoo ang red zone matapos magpositibo sa ASF ang ilang baboy.

Nag-isyu naman si Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. ng Executive Order No. 460 na nagbabawal sa paglalabas mula sa red zone ng live hogs at pork products, kabilang ang frozen at fresh pork products, sa loob ng 10 araw mula Oktubre 17.

Naglagay din ang mga bayan malapit sa Oton ng border control points, habang inalertuhan na ang ibang local government units na tiyakin na walang live hogs o pork products mula sa red zone ang makapapasok sa kanilang lugar. RNT/SA