Marcos sa media: Pag-usapan ang plano sa bansa ‘di ‘scarred past’ ng pamilya

Marcos sa media: Pag-usapan ang plano sa bansa ‘di ‘scarred past’ ng pamilya

January 25, 2022 @ 5:13 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa panayam ng One News na pag-usapan na lamang ang kanyang plano sa bansa kaysa sa mga nabgdaang isyu ng kanyang pamilya.

Aniya, hindi siya duwag sa pagharap sa mainstream media makaraang hindi sumipot sa presidential interviews na pinangunahan ni Jessica Soho dahil sa umano’y pagiging bias nito.

“Siguro naman sa pinagdaanan ko sa buhay ko maliwanag naman na hindi ako duwag na tao.”

“Ang mahalaga ay pagusapan ang mga bagay na top of mind ng ating kababayan. Iyon sa palagay ko ang mas mahalaga at hindi na tayo babalik sa mga isyu na 35 years old na. Nadecide na iyan eh. So puntahan natin ang mga bagong problemang hinaharap natin ngayon,” dagdag pa ni Marcos.

Samantala, itinanggi rin nito na may kinalaman ang kanyang pamilya sa Yamashita treasure at gold bars mula sa umano’y Tallano clan.

“Sa buong buhay ko hindi pa ako nakakakita ng gold na ganyan. Marami akong kilala na kung saan-saan naghuhukay pero ako wala pa akong nakitang kahit anong klaseng gold na sinasabi nila.” RNT/FGDC