Marcos sa mga Pinoy: Pangarap ninyo ay pangarap ko

Marcos sa mga Pinoy: Pangarap ninyo ay pangarap ko

June 30, 2022 @ 1:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinulak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Huwebes ang pagkakaisa para masiguro ang magandang bukas para sa mga mamamayang Pilipinio.

Aniya,  siya at ang publiko ay may iisang pangarap.

“I’ve listened to you and this is what I have heard. We all want peace in our land. You and your children want a chance at a better hope in a safer and more prosperous country,” ayon kay Marcos sa kanyang  inaugural address.

“All that is within reach of a hard-working, warm, and giving race. Your dreams are mine. Pangarap ninyo ay pangarap ko,”  dagdag na pahayag nito.

Aniya, kasalukuyang bumubuo ang kanyang administrasyon ng “comprehensive, all-inclusive plan for economic transformation.”

“We will build back better by doing things in the light of the experiences that we have had, both good and bad. It doesn’t matter. No looking back in anger or nostalgia,” ayon kay Marcos.

Nauna rito, nanawagan si Marcos  sa sambayanang Pilipino ng pagkakaisa.

Ang solusyon aniya sa labas ay naglalayon lamang na hatiiin ang bansa.

“They were always at our expense. Never forget we are Filipinos. One nation. One Republic. Indivisible,” aniya pa rin.

Samantala, pormal at opisyal nang nanumpa si Marcos bilang ika -17 Pangulo ng PIlipinas matapos masungkit ang  58% boto sa May 2022 elections. Kris Jose