Marcos sa pagtatanggol sa soberenya: We talk to China with a firm voice

Marcos sa pagtatanggol sa soberenya: We talk to China with a firm voice

May 26, 2022 @ 3:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagtatanggol ng kanyang administrasyon ang soberenya ng bansa sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa China “with a firm voice.”

“Our sovereignty is sacred and we will not compromise it in any way… no room for negotiation there,” pahayag ni Marcos sa kanyang kauna-unahang press briefing matapos ang proklamasyon sa Kongreso kahapon.

Nauna rito, nagdeklara ang China ng massive territorial claims sa resource-rich South China Sea, kung saan ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan ay nago-overlap ng kanilang claims.

Muli namang pinangalanan ng Maynila ang bahagi ng katubigan na sumakop sa teritoryo nito bilang West Philippine Sea.

Hinggil naman sa usapin ng West Philippine Sea, sinabi ni Marcos na sa ilalim ng kanyang tuntunin, ang bansa “will not allow a single square, and maybe make it even more smaller, single square millimeter of our maritime coastal and up to 200 kilometers rights to be trampled upon.”

“We’re talking about China and how do we do that? We talk to China consistently with a firm voice,” anito.

Binigyang diin ni Marcos na hindi kailanman makikipag-giyera ang bansa sa China para lamang igiit ang karapatan nito sa West Philippine Sea.

“That (war) is the last thing we need right now,” ayon kay Marcos sabay sabing “So we have to continue to discuss with them the conflicting claims that we have with China and that China has with other members of the ASEAN.”

Samantala, inanunsyo naman ni Marcos ang karagdagang pangalan sa gabinete nito gaya nina Benjamin Diokno, Felipe Medalla, Fred Pascual, Manny Bonoan at Anton Lagdameo.

Ibinahagi rin nito ang kanyang saloobin hinggil sa mega trade deal Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), kung saan ang Pilipinas ay signatory; at di umano’y korapsyon sa Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs. Kris Jose