Marcos, Sara sa supporters: Caravans sa NCR tigil muna sa Alert Level 3

Marcos, Sara sa supporters: Caravans sa NCR tigil muna sa Alert Level 3

January 1, 2022 @ 1:48 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Hiniling ng kampo ni Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte sa kanilang supporter na iantala ang scheduled caravans sa Metro Manila dahil pa rin sa banta ng Omicron COVID-19 variant.

“The safety of everyone is of paramount importance to us,” lahad ng grupo.

“That is why we are advising all our supporters to exercise self-restraint in their political mobilization plans in compliance with the IATF decision. We are also appealing to our supporters to suspend mass gatherings and obey the guidelines under the Alert level 3.”

Maaalalang isasailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 simula Enero 3 hanggang Enero 15. RNT/FGDC