Marcos supporters nasa Liwasang Bonifacio na

Marcos supporters nasa Liwasang Bonifacio na

June 30, 2022 @ 9:47 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon na ang mga pro-Marcos o mga supporters ni President-Elect Ferdinand Marcos Jr. sa Liwasang Bonifacio, ilang oras bago ang kanyang inagurasyon sa National Museum.

Alas kuwarto ng madaling araw ay nagsidatingan na ang mga supporters para magsagawa ng programa.

Nakaantabay naman ang 100 anti-riot police mula sa Region 4A at NCR para sa pagpapanatili ng kaayusan sakaling sumugod ang mga militanteng grupo.

Sa unang abiso, ang Bagong Alyasang Makabayan (Bayan) ay magsasagawa ng kilos protesta laban kay Marcos Jr. upang idiin ang mga hamon sa bagong administrasyon para tugunan at agarang resolbahin ang lumalaking krisis sa ekonomiya at kalusugan .

Pero dahil hindi umano binigyan ng permit upang makapagsagawa ng rally sa Liwasan, kaya isasagawa na lamang ang kanilang pagkilos sa Plaza Miranda sa Quiapo.

Gayunman, ang mga kapulisan ay nakahanda sa anumang biglaang pagsulpot ng mga anti-Marcos o mga militanteng grupo.

Samantala, napag-alaman na sa Plaza Miranda magsasagawa ng kilos protesta ang KMU at iba pang militanteng grupo.

Napag-alaman na bukas na sa lahat ng grupo na binigyan ng permit maging ang walang mga permit to protest ay magtitipon-tipon o magsasama-sama na lamang sa Plaza Miranda.

Sa kabilang banda, nagsimula na sa mahigpit na pagbabantay sa mga kritikal na kalsada sa Maynila ang Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force.

Sinisiguro ng mga deployed K9 teams na mapapanatili ang kaayusan para sa kaligtasan at seguridad ng publiko at mga opisyal na dadalo sa aktibidad mamayang tanghali.

Sa bawat paanan ng mga tulay patungo sa National Museum ay may mga nakaposte na ring mga tauhan ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden