Marcos tumulak na sa Abra

Marcos tumulak na sa Abra

July 28, 2022 @ 9:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagtungo na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Abra nitong Huwebes ng umaga upang suriin ang sitwasyon doon kasunod ng magnitude 7 na lindol kahapon ng umaga.

Inanunsyo ng Office of the Press Secretary (OPS) na nagtungo si Marcos sa probinsya lampas alas-8 ng umaga.

Iinspeksyunin ni Marcos ang pinsala at ibi-brief ukol sa rescue at relief operations, batay sa OPS .

Wala pang impormasyon kung bibisitahin ni Marcos ang iba pang probinsya na apektado rin ng lindol. RNT/SA