Marcus Adoro, nagparamdam na sa anak!

Marcus Adoro, nagparamdam na sa anak!

September 27, 2022 @ 1:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Finally, matapos maging usap-usapan sa social media dahil sa nalalapit nilang reunion concert, nagsalita na ang Eraserheads guitarist na si Marcus Adoro tungkol sa mga isyung binabato sa kanya.

Naglabas ito ng statement sa kanyang Instagram account tungkol sa relasyon nila ni Syd Hartha. Bukod dito, may mensahe pa ito sa anak niya.

“I’ve lost contact with my daughter for years now. Recently, I’ve tried to reach out to her through her manager, but I’m not sure if my messages are getting through,” paliwanag ni Marcus kung bakit siya napa-post.

Diretsahan din nitong binanggit ang pangalan ng anak at nag-iwan ng message saying, “”Syd, sa’n ka man, I hope you’re doing well.”

Humingi rin ito ng tawad sa pamilya niya, sa publiko, at sa mismong banda niya.

Sa huli, pinasalamatan nito ang mga supporters nang nasabing reunion concert.

Pero ang inaabangan ngayon ng lahat, bibigyan kaya siya ng chance ng anak?

The guitarist is asking for a second chance kasi.

Ang hirap ‘pag pamilya ang pinag-uusapan pero duda ng iba, pakulo lang ba ‘to for publicity? Hmmmm. Paula Jonabelle Ignacio