Margie Moran, nagreklamo sa fake news; Catriona at Queen P, damay!

Margie Moran, nagreklamo sa fake news; Catriona at Queen P, damay!

April 23, 2022 @ 2:28 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Hayagang binansagang fake news ni Miss universe 1973 ang lumabas sa Facebook na isa siya sa tatlong Miss universe na sumusuporta sa presidential bid ng isang kandidato.

Sa kanyang social media account, inilabas ni Margie Moran ang screen shot ng naturang post sa FB.

Nilakipan kasi ito ng mga larawan nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

2015 noong koronohang Miss Universe si Pia, 2018 naman si Catriona.

At present, si Margie ang chairperson ng Cultural Center of the Philippines.

Dahil dito, ikinatwiran ni Margie na, “I’ll not compromise my government position. My choice is who I think will serve the nation best.”

Fake news daw ang post sa Facebook.

Samantala, nitong April 13 ay inihayag ng first time voter na si Pia ang kanyang ibinoto bilang ang sinasabing presidentiable.

Sa Dubai, UAE siya bumoto.

Nitong April 19 naman ay inihayag din ni Carriona ang kanyang presidential  choice being the presidential bet ni Queen P.

Aniya, bihasa raw ito sa three branches of government base sa mga naging gawain nito. Ronnie Carrasco III