Mariah Carey at Taylor Swift, kinasuhan!

Mariah Carey at Taylor Swift, kinasuhan!

February 17, 2021 @ 6:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

New York, USA – Parang uso ngayon sa Amerika na idemanda ang superstar singers nila.

Dalawa sa kanila ang hiwalay na kinasuhan sa korte kamakailan. Ang mga ito ay sina Mariah Carey at Taylor Swift, ayon sa international news agency na Agence France-Presse (AFP).

Ang nagdemanda kay Mariah ay ang nakatatanda n’yang kapatid na babae na si Allyson Carey. Ang kaso ay “intentional infliction of emotional distress.” Humihingi ng danyos na $1.5 million si Allyson.

Ang ugat ng kaso ay nasa kabanata ng libro ni Mariah na ang titulo ay “Dandelion Tea,” kung saan sinabi umano ng singer na pinagtangkaan siyang ibugaw ni Allyson nu’ng 20 years old pa lang siya, at binuhusan din daw siya ng huli ng kumukulong Dandelion Tea na nagdulot sa kanya ng third degree burn.

Nu’ng September 2020 lumabas ang memoir (libro) ni Mariah na ang titulo ay “The Meaning of Mariah Carey.”

Samantala, si Taylor naman ay idinemanda ng kumpanyang may-ari ng isang theme park sa Utah Pleasant Grove, Utah na ang pangalan ay Evermore na siya ring titulo ng latest album ng world-famous country singer.

Nu’ng September 2018 pa bukas ang privately owned park. “Copyright” infringement ang ikinakaso kay Taylor. Danny Vibas


  •  
  •  
  •