Marian, aminadong OA sa COVID 19!

Marian, aminadong OA sa COVID 19!

February 23, 2021 @ 5:40 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kung hindi naman kailangan, hindi na lumalabas ng bahay si Marian Rivera. Pag-iingat na raw ito para ligtas sa laganap na COVID-19.

“Kung ako lang, kaya kong proteksyunan ang sarili ko, kaso may mga anak (Zia at Ziggy) ako. Kaya hindi ako puwedeng magkasakit,” sabi ng aktres.

Patunay raw na ganu’n sila ka-OA pagdating sa pagsunod sa mga safety protocol ay ang pagtanggap nila ng package na ipinadadala sa kanilang bahay.

“Dini-disinfect muna namin ‘yon. ‘Pag binuksan namin, ilalagay pa namin ‘yon sa UV (ultraviolet) rays machine, mga 30 minutes ‘yon. Then pag ginamit namin, another 30 minutes na naman sa UV. Ganu’n ako o kami ka-OA sa bahay,” dagdag niya.

Maging sa mga commercial shoot daw ay pinalilimitahan niya ang bilang ng mga taong involved, “‘Yung puwede lang ‘yung direktor, ‘yung lightman at isa pang staff. Kung hindi naman kailangan, ‘yung direktor lang. Kahit pagdating sa kainan, du’n sila sa labas. Hindi sila puwedeng humalo sa amin.” Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •