Marian spirituality, ipinanawagan ng Papal Nuncio sa mga Pinoy

Marian spirituality, ipinanawagan ng Papal Nuncio sa mga Pinoy

December 12, 2022 @ 7:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pamimintiho sa Mahal na Birhen ang ina ni Hesus.

“Continue, it’s a beautiful manifestation of the Catholic faith. Mary is always directing us toward Jesus. We love Mary because she is the mother of Jesus,” ayon kay Archbishop Brown sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas.

Hiling din ng kinatawan ng Santo Papa ang pananalangin ng Rosaryo at pagdarasal ng ‘Aba Ginoong Maria’ sa mga dambana ng Mahal na Birhen, lalo’t kilala ang bansa bilang Pueblo Amante de Maria.

“I think it’s very evident that Filipinos are living out that Marian spirituality. I’ve been nuncio in three different countries and only in the Philippines that every six months we are doing another coronation of Our Lady. Lots of coronation of our lady,” ang pahayag ni Archbishop Brown.

Ang pahayag ng Arsobispo ay kasabay na rin ng pagdiriwang ng Pista ng Mahal na Birhen ng Guadalupe na itinuturing na celestial patron ng Pilipinas na matagal na naging bahagi ng simbahan ng Mexico.

Sa kasaysayan ng simbahan, ang Pilipinas ay ang suffragan ng Diocese ng Mexico- na kilala sa kasalukuyang bilang Central America noong 1579. Jocelyn Tabangcura-Domenden