Marian, tengga sa 2023!

Marian, tengga sa 2023!

January 10, 2023 @ 1:50 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Sad as it may sound to her fans awaiting her return on TV ay hindi muna mapapanood sa isang teleserye uli si Marian Rivera.

Ito ang inihayag ng Primetime Queen ng GMA nang mainterbyu ni Nelson Canlas.

Ani Marian, may nilulutong proyekto raw ang kanyang home studio pero sa taong 2024 pa ito.

Hindi siya nagbigay ng mga detalye kung anong uri ng show ‘yon.

Matatandaang 2018 pa when Marian last appeared in a teleserye.

Ito’y bago pa niya isinilang ang pangalawang anak nila ng Primetime King na si Dingdong Dantes, si Sixto nicknamed Ziggy.

Pero nilinaw ng aktres na sa kabila ng kanyang pagiging busy uli come 2024 ay lagi siyang may nakalaang panahon para sa kanyang pamilya.

Marian shares that it’s the secret of time management kaya nakukuha niyang pagsabayin ang kanyang career at family life.

Kamakailan ay ipinagdiwang nila ni Dingdong ang kanilang ikawalong wedding anniversary.

Taong 2007 nang magsama sina Marian at Dingdong sa Pinoy adaptation ng Mexicanovelang Marimar.

Taong 2014 naman nang magpakasal sila.

Throughout their eight-year marriage, nabiyayaan sila ng dalawang anak, with Zia being the eldest.

Dapat lang na agarin ng GMA na muling ibalik si Marian ideally sa primetime slot para magkaroon naman ng sense ang pagiging Primetime Queen niya. Ronnie Carrasco III