Mariano ‘di bibitiwan ng Ginebra

Mariano ‘di bibitiwan ng Ginebra

January 27, 2022 @ 1:05 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inilagay sa unrestricted free agent si Aljon Mariano ng Brgy Ginebra pero bagamat  nasa ganoong status ang dating manlalaro ng UST Growing Tiges ay mananatili pa rin ito sa Gin Kings.

Katunayan ang player ay tumatanggap pa rin ng sahod sa kampo ng Ginebra. Nagkaroon ng kasunduan si Mariano at ang  maangement na di ito tatanggap ng offer sa ibang koponan.

Dahil sa nagpapagaling pa ng injury ang 6’3 small forward /power forward  ay  inilagay muna ito pansamantala sa unrestricted free agent.  Walang alalahanin ang basketbolista sa kalagayan nito sa team.

Inextend ng ilang buwan ang player, sigurado naman umano na irerenew siya  kapag totally 100% na siyang naka recover sa kanyang injury.

Sa kasaluluyan ay 29 years old pa lang si Mariano na marami pang ilalabas na laro. Sa huling bubble game ay maganda ang ipinakita nito. Kaya ilang teams sa PBA ay nagkaka interes sa serbisyo nito.

Alam  ni coach Tim Cone ang kalibre ni Aljon kaya ayaw siyang bitiwan.  Matapang at maaasahan pagdating sa actual na laro. Dwayne Rituel.