Maricar, sinariwa ang sex scandal!

Maricar, sinariwa ang sex scandal!

November 14, 2022 @ 8:41 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Kaya nang balikan ni Maricar Reyes ang madilim na bahagi ng kanyang buhay.

Pero ayaw na niyang magbigay pa ng detalye kaugnay ng iskandalong kinasangkutan niya ilang taon na ang lumipas.

Mabuti na lang ay nakuha ni Toni Gonzaga na pagsalitain ang aktres.

Kuwento ni Maricar, isang kaibigan ang nagsabi sa kanya tungkol sa tabloid item na nabasa nito.

Kaugnay nga ‘yon ng sex scandal in which she got involved.

Pero in denial daw siya until her agent contacted her.

That time ay ginagawa pa niya ang seryeng Lovers in Paris ng ABS-CBN.

After wrapping up taping ay dumiretso na raw siya sa triathlon, “But I was pulled back.”

Inalala raw niya ang pangamba ng kanyang ina na dahil sa kinapaloobang iskandalo’y wala na raw lalaking mangangahas na pakasalan siya.

Nasira na nga naman ang kanyang reputasyon.

But no, some man sa katauhan ni Richard Poon was man enough to marry her sa kabila ng sinapit niya.

Maricar recalled na habang sinusukat daw niya ang kanyang wedding gown ay napaluha ang kanyang ina.

Mga luha raw ‘yon ng kasiyahan dahil may lalaking handa siyang pakasalan.

Maricar and Richard got hitched in June 2013.

Looking back, may mga aral daw na natutunan si Maricar mula sa iskandalong ‘yon.

Public knowledge kung sino ang lalaking responsable sa likod ng sex scandal na ‘yon.

Maging ang lalaking ‘yon ay nakatagpo ng babaeng handa siyang pakasalan, and we know who that guy ended up marrying. Ronnie Carrasco III