Maricel Laxa, nagpaliwanag sa pagbabalik-showbiz!

Maricel Laxa, nagpaliwanag sa pagbabalik-showbiz!

December 16, 2021 @ 7:58 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Nagsimula si Maricel Laxa bilang isa sa mga co-host ng yumaong German Moreno sa dati nitong weekend show sa GMA-7 na ‘GMA Supershow’.

Dito ay napansin si Maricel ng matriach ng Regal Films naa si Mother Lily at kinuha siyang artista.

Nagpahinga si Maricel nang nagkaroon ng pamilya ngunit pagkatapos ng ilang dekada ay muli siyang nagbabalik sa bakuran ng Regal, dahil kasama siya sa bagong serye ng Regal Studio at Siyete, ang “Mano Po 2: The Family Fortune”.

Aminado si Maricel na masaya na siya sa pagiging ina ng matinee idol na si Donnie Pangilinan pero nang ialok sa kanya ang maging parte ng MP the series ay ‘di na ito nagdalawang isip pa na tanggapin.

“I just feel fortunate to get good projects like this. Tumatalon ang dugo ko kapag may ganitong offers. Actually, kuntento na ako supporting my children now in their own careers but kung may magagandang projects na dumarating, hindi naman tama na tanggihan ko, ‘di ba?” say ni Maricel.

Bukod sa mga nabanggit na dahilan ay meron pa siyang isang rason sa pagbabalik.

“I also accepted this because my son, Benjamin, told me he wants to see what I do on the set, so I take him along and I’m thankful that I’m part of this project,” ang dagdag pa ring say ni Maricel. Wally Peralta