Maricel, nag-throwback sa unang halik!

Maricel, nag-throwback sa unang halik!

September 9, 2022 @ 9:03 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Napanood namin ang latest vlog ng hinahangaan naming aktres na si Maricel Soriano. Ang topic niya roon ay tungkol sa kanyang mga ‘first,’ na tinawag niyang Game of First.

Ang nagtatanong sa kanya ay ang manager niya na si Biboy Arboleda pero boses lang nito ang naririnig, hindi siya on-cam.

Sa unang tanong sa Diamond Star na ano ang kanyang first movie, ang sagot niya ay, “First movie na ginawa ko, under Samapaguita Picture, ang title ng movie ay My Heart Belongs To Daddy starring Ben Medina, Norma Blanca Flor, Aurora Salve and Snooky. Directed by Mar S. Torrez. 16  years old lang ako noon.”

Si Maricel ay gumanap na nakababatang kapatid ni Tirso sa pelikula.

Sa tanong naman na ano ang kanyang first seeries na nagawa ay hindi na raw maaala nI Maricel.

FYI, ang unang serye na ginawa niya ay ‘yung Vietnam Rose mula sa ABS-CBN 2.

Ang first onsceen kiss niya ay ang dating ka-loveteam at karelasyon na si William Martinez sa pelikulang Kaya Kong Abutin Ang Langit mula sa VH Films.

Hindi naman sinagot ni Maricel ang tanong kung sino ang first off screen kiss niya. Katwiran niya na natatawa ay bading na raw kasi ito ngayon.

Sa tingin namin ay artista ang tinutukoy ni Maricel kaya ayaw niya itong pangalanan.

Ang unang kaibigan na gusto niyang tawagan o  i-text kapag gusto niyang umiyak ay si Vice Ganda na itinuturing niyang anak-anakan sa showbiz.

May drama raw kasi siya sa buhay na kapag malungkot siya ay naiisip niyang magpakamatay. Isang tawag niya lang daw kay Vice noon ay pumunta na ito agad sa bahay niya na naka-costume pa. At kinausap/kinomport siya ng komedyante.Rommel Placente