Maricel, nambarat ng tindera!

Maricel, nambarat ng tindera!

December 21, 2022 @ 11:33 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Not only is Maricel Soriano well-known for her impressive acting, magaling din pala siyang mambarat!

Guest ng Diamond Star sa kanyang vlog sa YouTube channel ang kikay at sosyalerang si Small Laude.

Ang siste, kapwa sila sasabak na pamimili sa tiangge pero limitado lang ang kanilang shopping budget.

Both Maricel and Small had to contend with P3k budget each. No more, no less.

Halatang asiwa at hindi kumportable si Small sa ginagawang pambabraso to get cheaper buys.

Pero obyus na bumilib siya kay Maricel pagdating sa pambabarat at kung paano gamitin nito ang kanyang convincing power cum PR sa nagtitinda.

Understandable kung bakit ill at ease si Small sa naturang challenge dahil malayo nga naman ito sa kanyang imahe.

Besides, paano nga naman niya pagkakasyahin ang tatlong libong budget lalo sa panahon ngayon na ultimo mga gulay nga naman sa pamilihan ay presyong ginto?

But shopping with limited budget was a walk in the park for Maricel.

Idagdag pa ang pagiging sobrang ma-PR nito na kinagiliwan ni Small, ng tindera at mga taong nakasaksi sa kanilang pamimili.

If something good came out of it, ‘yun ang natutunan ni Small kay Maricel.

Hindi naman kasi department store ang pinuntahan nila kung saan fixed ang presyo ng mga items.

Flea market ‘yon na puwedeng tawad-tawaran ang mga bet mong bilhin.

Pagpapatunay rin ‘yon na sa kabila ng pagiging sikat ni Maricel, paminsan-minsan ay carry niya na magpakajologs.

No wonder, malapit ang Diamond Star sa mga masa because she can be one of them when there’s a need for one.

Oy, it should not be mistaken for being a palengkera, ha? Ronnie Carrasco III