Mariel de Leon, panggulat ang sexy pictorial sa FHM

Mariel de Leon, panggulat ang sexy pictorial sa FHM

August 9, 2018 @ 1:21 PM 4 years ago


Marami ang nanibago at nagulat sa black-and-white photos ni Mariel for FHM simply because conservative ang image ng former beauty queen daughter nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

When she was first offered the project of the FHM staff, she asked permission from her parents and they have one condition, basta kailangan daw bongga ang kalalabasan.

Anyway, malaki raw ang tiwala nila ni Christopher kay Mariel at sa manager nitong si Leo Dominguez.

“Nagsabi naman siya sa amin bago pa mag-pictorial,” he said. “Though we did not have to, we told her anyway make sure it’s not too exposed.

“That it can be sexy but classy nga. Hindi bastos tingnan. Plus we trust Leo, her manager, and Mariel as well.”

As it turned out, malakas ang gulat factor ng sexy pictorial ni Mariel kahit bihis na bihis siya at gilid lamang ng dibdib niya ang makikita.

Sang-ayon sa manager ni Mariel, lead actress ang alaga niya sa movie for television remake ng Patayin Mo sa Sindak si Barbara ng ABS-CBN at sa Rule of Third ng Regal Entertainment, Inc.

Si Chris Castillo, ang anak ni direk Celso Ad Castillo, ang director ng movie for television version ng Patayin Mo sa Sindak si Barbara featuring Mariel in the title role and ably supported by Nathalie Hart, and JC de Vera.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong! – DAPAT LANG! ni PETE G. AMPOLOQUIO, JR.