Mariel, dedma sa mga ka-chat ni Robin!

Mariel, dedma sa mga ka-chat ni Robin!

March 17, 2022 @ 12:00 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Sa kanyang vlog, kumasa sa question and answer portion si Mariel Rodriguez with matching mukbang kung saan game niyang sinagot ang mga tanong ng kanyang followers.

Isa sa mga natanong sa kanya ng isang follower ay kung nagtse-check ba siya ng messages ng mister na si Robin Padilla sa social media account nito.

Sey ni Mariel, marami raw kasing social media accounts si Robin at siya ang nagtatago ng passwords nito para maalala ng kanyang hubby.

Gayunpaman, hindi raw niya nakaugaliang makialam o basahin ang mga mensahe sa socmed accounts ng mister mula sa netizens at maging sa mga babaeng followers nito.

Kapareho kay Robin, meron din daw kasi siyang  private socmed account na ilan lang ang followers.

May account din siya para sa mga faney at maging para sa kanyang business.

Pati nga raw ang mga socmed accounts ng mga anak na sina Gabriella at Isabella ay siya ang nagma-manage.

Tungkol naman sa kanyang wishlist, nasa listahan niya na manalo si Binoe sa kanyang senatorial bid dahil naniniwala siya sa intensyon nitong makagpagsilbi sa bayan.

Promise rin daw niya sa kanyang sarili na magpapapayat siya kung papalaring maging senador ang hubby.

Sa isyu naman ng pagbabalik-showbiz, malamang daw ay puwede na niyang i-entertain ito once na malaki na ang kanyang mga anak.

Bet daw niyang maging kontrabida tulad ng mga napapanood niya sa mga Koreanovela.

Aminado rin siyang workaholic pa rin siya pero iba na raw kasi ang energy niya ngayon kumpara noong nasa 20s pa lamang siya. Archie Liao