Mariel, paluging binenta ang mga regalo ni Binoe!

Mariel, paluging binenta ang mga regalo ni Binoe!

December 26, 2022 @ 8:02 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Nanghihinayang si Senator Robin Padilla na pati ang mga regalo niyang mamahaling bags at sapatos ay ibinebenta ng asawang si Mariel Rodriguez nang palugi.

As in slashed by 50% ang presyo ng mga gamit o pre-loved items na ‘yon which Mariel sells via live online selling.

Bale ba, ayon kay Robin ay may nakapaloob na kuwento sa mga regalong ‘yon.

But how did Mariel jumpstart her live selling business na ngayon ay patok na patok na?

According to Robin, it all began daw noong panahon ng pangangampanya.

Walang-wala raw pera noon ang tumatakbong senador.

Ni wala siyang campaign posters at t-shirts all around the country.

Ang masaklap, nagawi raw si Robin sa isang lugar at tanging siya lang sa mga kandidato ang walang poster.

Humanap tuloy ng paraan si Mariel para makatulong pero wala raw kaalam-alam si Robin.

It was through his manager that he learned about his wife’s business.

Ultimo text daw niya’y hindi sinasagot ni Mariel.

Napilitan tuloy idaan ni Robin through online ang gusto niyang sabihin sa asawa.

Pambihira naman daw ito at pati mga pricey stuff na regalo niya’y ibinebenta nang bagsak- presyo!

Later on na lang napagtanto ni Robin ang maganda nga namang intensyon ni Mariel, that was to contribute her share dahil sa awa nito sa asawa.

Nagbunga naman ang live online selling ni Mariel.

Maging ang ibang celebrities tulad ni Sharon Cuneta ay nagpapabenta kay Mariel ng mga pre-loved items nito.

No doubt, Mariel’s efforts paid off dahil nag-number 1 pa si Robin sa mga senatoriables! Ronnie Carrasco III