Mariel, tanggap nang ‘di papayat, ibebenta ang mga damit!

Mariel, tanggap nang ‘di papayat, ibebenta ang mga damit!

October 24, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Tinanggap na ni Mariel Rodriguez na malabo na siyang pumayat.

At dahil nga sa acceptance na ito kung kaya’t ang susunod niyang ibebenta sa isinasagawang live online seliing ay mga hindi na kasyang damit sa kanya.

Karamihan daw sa mga ‘yon ay hindi pa niya nagagamit.

Kesa masira lang daw o maluma, nagdesisyon siyang perahin na lang ang mga ‘yon.

Nakaipon nga raw siya ng napakaraming damit dahil naging panuntunan niya noon, dapat daw ay hindi nag-uulit ng damit ang isang artista lalo’t kung everyday ang exposure nito sa TV.

Tiyak daw kasi na mspapansin ‘yon ng mga manonood.

Pero aminado ang misis ni Senator Robin Padilla na ‘yun ang pananaw niya noong dalaga pa siya.

Noong nagkaroon na raw kasi siya ng pamilya ay naging praktikal na siya.

Kesehodang nag-uulit na raw siya ng damit na naisuot na.

So far naman daw ay hindi pa niya nararanasang ma-bash.

At dahil nga Mariel gained extra poundage, goodbye na sa mga damit niya noong sexy pa siya.

Ewan kung may iba roon ang willing niyang i- donate bilang kawanggawa. Ronnie Carrasco III