Marikina COVID-19 cases sa evacuation 3 pa rin; closed contacts negatibo   

Marikina COVID-19 cases sa evacuation 3 pa rin; closed contacts negatibo   

November 21, 2020 @ 4:13 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na nananatili sa tatlo ang COVID-19 cases sa evacuation centers makaraang magnegatibo ang closed contacts nito.

“Nakapag-surveillance testing na sa evacuation centers. Tatlo ang nag-positive. ‘Yung mga contact nila ay negative,” lahad ni Teodoro sa panayam sa Dobol B sa News TV.

“PCR test ang mga ginawa natin. ‘Yung iba ay rapid test for purposes of screening. One hundred ten ang nagkaroon ng reaction sa rapid test. Out of that, 3 lang ang nag-positive,” kwento pa nito.

Tinataya aniyang nasa 12,000 indibidwal o 3,000 pamilya ang naninirahan sa evacuation centers makaraang salantahin ng bagyong Ulysses.

“More or less 1.5% ang positivity rate rito, which is well within the World Health Organization benchmark,” punto pa ni Teodoro.

Nanawagan naman ang mayor sa mga nagsasagawa ng medical mission na magtungo sa Marikina at tulungan ang mga residente.

“Kailangan namin ng mga medical mission sa aming communities.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...